“Gabi”
          Habang nagduruyan and buwang sisikat sa lundo ng kanyang
       Sutlang liwanag isakay mo ako gabing mapamihag sa mga pakpak
      Mong humahalimuyak ilipad mo ako sa masalimlim na puntod ang mga
   Luha ko ay papadaluyin  saka sa simoy ng hangin.

          At ano ang bukas ang ating silahis ay papamusyawin ng araw ang langit
     Hindi bat bukas din tayo ay sisisid sa dagat ng iyong mga panaginip kaya ilipad
    Mo ako gabing walang maliw ang ilaw at hamog ng aking paggiliw ilipad mo habang
  Gising ang damdamin sa banal ng tugtog ng bawat bituin.

Comments