“Gabi” Habang nagduruyan and buwang sisikat sa lundo ng kanyang Sutlang liwanag isakay mo ako gabing mapamihag sa mga pakpak Mong humahalimuyak ilipad mo ako sa masalimlim na puntod ang mga Luha ko ay papadaluyin saka sa simoy ng hangin. At ano ang bukas ang ating silahis ay papamusyawin ng araw ang langit Hindi bat bukas din tayo ay sisisid sa dagat ng iyong mga panaginip kaya ilipad Mo ako gabing walang maliw ang ilaw at hamog ng aking paggiliw ilipad mo habang Gising ang damdamin sa banal ng tugtog ng bawat bituin.